top of page

Mensahe ni President-elect Bongbong Marcos:

Hunyo 12: Ang petsa ng ating kasarinlan šŸ‡µšŸ‡­



Mga minamahal kong kababayan:


Ipinagdiriwangā€¦ ipinagbubunyi natin ang ating kalayaan bilang isang bayan!


Sandaan at dalawampuā€™t apat na taon na mula nang isinilang ang kauna-unahang republika sa Asya.


Sa loob ng napakahabang panahon na ito ay natutunan nating mga Pilipino na ipaglaban ang ating pagkakakilanlan at ang hangad na magkaroon ng sariling determinasyon sa magiging kapalaran ng ating bayanā€¦ ng ating mamamayan.


Marami na rin po tayong mga hamon na napagdaanan. At ilang beses din tayong sinubok ng panahon at mga pagkakataon na dulot ng banta ng pagkakawatak-watak.


Ngunit nanatili ang pagmamahal natin sa Inangbayan. Patuloy nating sinusubok na mas mapaganda ang ating kalagayan. Patuloy rin nating sinisikap na kumilos sa ilalim ng iisang bandila.


Nitong nakalipas na dalawang taon, muli na naman tayong sinubok ng pandemya. Ibaā€™t iba man ang ating tinahak na pamamaraan, pero nakita nating iisa pa rin ang ating layunin ā€” at ito ang muling pagbangon ng bayan, ang muli nating paglaya sa mga pagsubok at hamon na dulot ng pandenya.


Ngayong Araw ng ating Kalayaan ay panawagan ko po na ā€˜wag iwalay sa ating

Isipan na ang mga bituin at araw ng ating watawat ay ā€˜tulad ng bagong bukas ā€” na kailanmaā€™y di magdidilim.


Anomang hamon ang kahaharapin natin sa bagong yugtong ito ng ating nag-iisang bayan ay alalahanin po natin at palaging isapuso ang kapakanan ng ating kapwa Pilipino.


Nanawagan ako kamakailan lang ng tunay na pagkakaisaā€¦ na inyong tinugunan ng dumadagundong na suporta.


Muli akong mananawagan ngayonā€¦ at palagian po akong mananawagan na ā€˜wag tayong bibitiw sa panimula ng pambansang pagkakaisa na ating naipadama sa isaā€™t-isa nitong nakalipas na pilianā€¦ pagkat hudyat po ito ng malayang kaisipan at pagpapakita ng lakas ng demokrasya na siyang sandalan ng ating paglalakbay upang umahon sa krisis na ating kinakaharap sa ngayon at kahaharapin pa sa darating na panahon.


Kasama po nyo ako sa lakbaying ito. At alam kong ang tunay na kalayaan mula sa mga balakid ng ating pag-unlad ay ganap din nating makakamtan.


Pagsisikap, pagpupunyagi at pagkakaisa ā€” mga sangkap ng tunay na paglaya. Sama-sama natin itong kamtin sa pagsuong sa bagong bukas!


Mabuhay ang ating kasarinlan!

Mabuhay ang malayang Pilipino!

Mabuhay ang Pilipinas!


10 views

Comments


bottom of page